Sunday, June 28, 2009

Wednesday, June 17, 2009

she said, he said.

Do you still love me?

Paranoia eats me.

Darkness scares me.

Coldness sends shivers to my spine.

I feel alone, unloved, and unwanted.

Where's your promise?

Where's my sun?

Why can't I feel your love and warmth.

I am longing for your touch, for your kiss, and for your hug

Iam craving for your presence.

I miss you. I love you.

I will always love you.

Don't think that way.

Darkness won't scare you.

Coldness won't send shivers to your spine.

Don't feel alone, unloved, and unwanted.

So long as my promise is in your heart,

trust your shine will shine once more,

eventually you'll feel my warmth again.

My touch, my kisses, and my hugs

will always be yours no matter what.

I miss you more. I love you forever.

Friday, June 5, 2009

bumabagyo.

I am missing the sun.

Raindrops makes me sad, it reminds me of the tears that I've cried.

Coldness makes me shiver, it reminds me of being alone.

Darkness makes me scared, it reminds me of the fear that I might lose you.

Where's the Golden Sun?

Where's my Sunshine?

Where are you? I am missing you badly.

Thursday, April 30, 2009

sadista.masokista

ika'y nakahandunsay sa sahig.
tumatangis.
nananaghoy.
duguan.

habang ako'y nakaupo sa sulok.
nanginginig.
nakatitig.
may hawak na patalim.

uulit ka pa ba?
subukan mo akong saktan ulit.
hindi lang isang saksak ang abutin mo.
putang ina ka.


badtrip ka.

Sunday, April 19, 2009

valium.

Heto na naman ako, nagising mula sa napakagandang panaginip.
Panaginip kung saan kasama ka, malaya, at napakasaya.
Panaginip kung saan tangan-tangan ko ang iyong mga kamay.
Nakakahilo. Nakakalito.

Hindi na ako natuto, muli, ito'y inakala kong totoo.
Ayoko ko ng bumalik sa realidad.
Ayoko ko ng gumising.
Nais kong matulog muli, upang balikan ang ating nakaraan.



"...kung ang kaniyang pagmamahal ay sa panaginip ko la mang madarama.
Nais kong ma-overdose sa sleeping pills at valium,
upang ako'y muli niyang mahalin at makasama
kahit ako'y hndi na gumising pa..."

Thursday, April 9, 2009

Friday, April 3, 2009

cineplex.

Ang paligid ay nababalutan ng dilim, at tanging mumunting liwanag na nanggagaling sa pinilakang tabing ang nagsisilbing ilaw.

Nakakabingi ang katahimikan.

Sa gitna ng payapang pagkakataon, isang malalim na bugtong hininga ang puma-ibabaw.

Parehong magkalapit at nakamasdan sa malayo na para bang nakatulala at may naglalaro sa malikhaing isipan.

Unti-unti, ang mga mga palad ay nagtagpo, at tuluyang naging isa.

Ang init ng palad ang nagsilbing hudyat sa pagdaloy ng natutulog na dugo, mula talampakan hanggang sa mga namimintog na pisngi.

Pawang kagalakan ang naramdaman, hindi inakalang ito'y pagbibigyan ng panahon at pagkakataon.

Sa maikling sandali, nadarama ko ang bawat pag pintig ng iyong puso, ang bawat pagsigaw nito, na ang tanging ibinubulong ay ang pangalan ko.

Sa maikling pagkakataong iyon, nahawakan ko ang puso mo, at ako'y minamahal mo.

Nais kong malusaw, sa tuwing magtatagpo ang aking paningin at iyong mapupungay na mata, sa tuwing sisilip ang iyong mapuputing ngipin sa iyong mapupulang labi.


Nasi kitang hagkan, nais kong mapasa-iyo, at ninanais kong ika'y mapasaakin.



Isang nakakabulag na liwanag ang sumalubong sa aking mukha.
Mainit.
Nakakasilaw.



Panaginip.



Nakakapanlinlang na panaginip.
Panaginip na punong-puno ng paghihintay at pag-asa.



Ako'y muling bumalik sa realidad.
Bumangon.
At patuloy na umaasang ito ay mapagbibigyan ng pagkakataon.